Ano Ang Kalakasan At Kahinaan Ng Mga Tao? (Sagot)
KALAKASAN AT KAHINAAN NG TAO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga kalakasan at kahinaan natin.
Iba-iba ang kalakasan at kahinaan nating lahat. Isa ito sa mga bagay na nagpapatunay na tayo ay mga tao. Tayo ay may iba’t-ibang ugali, pananaw, talento, at paninindigan. Pero, isa rin ito sa mga kalakasan ng tao.

Ang ating kakayahang mag-isip ay ang ating pinakamahalagang kalakasan. Ngunit, ito rin ay maaaring maging kahinaan natin. Dahil sa kakayahan nating mag-isip, minsan nagagawa natin na apakan ang iba para lamang maka-angat tayo sa buhay. Makikita ito sa korupsiyon at krimen na nangyayari sa buong mundo.
Samantala, bilang mga Pilipino, mayroon rin tayong kalakasan at kahinaan. Heto ang mga sumusunod:
KALAKASAN
- Masiyahing tao ang mga Pilipino. Nakikita ito sa pagngiti at pagtawa kahit na may problema. Kahit ilang trahedya na ang dumaan, mabilis tayong maka-ahon.
- Malapit na buklod sa pamilya. Taglay natin ang ugnayang mainit sa magkakapamilya anupat puwedeng angkan ang buong puwersa para sa mga adhikain ng isang indibidwal.
- Magalang tayo sa mga nakakatanda, sa ating kultura, at tradisyon
- Masipag at malikhain sa Paggawa. Nagagawa pa ng mga Pilipino na i-recycle o i-repair ang mga kagamitan.
KAHINAAN
- Palaumasa sa mga magulang sa panahong dapat sana ay nakabukod na siya.
- Manyana Habit.. Ito ay ang problema sa mga Pilipino kasama na “Filipino Time” o laging huli.
- Mabagal sa pag-aadjust sa makabagong henerasyon.
- Masyadong kumakapit sa mga ideya ng nakaraan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Tunggaliang Tao Laban Sa Sarili Kahulugan At Halimbawa