Tunggaliang Tao Laban Sa Sarili Kahulugan At Halimbawa

Ano Ang Kahulugan At Halimbawa Ng Tunggaliang Tao Laban Sa Sarili?

TUNGGALIANG TAO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tunggaliang tao laban sa sarili at ang mga halimbawa nito.

Ang tunggaliang tao ay ang mga tanong ng mga tao sa kanilang mga sarili. Sa Ingles, maaari itong tawaging na “self-conflict”. Ito yung tawag mo sa pangyayari na may gusto kang gawin pero hindi ka sigurado kung gagawin mo ba o hindi.

Tunggaliang Tao Laban Sa Sarili Kahulugan At Halimbawa

Heto rin ang pagdedesisyon sa kung ano ang tama at mali. Heto ang mga halimbawa:

“Lalabas ba ako o hindi? Sobrang lakas ng ulan at nakita ko sa balita kanina na may paparating na bagyo, baka magkasakit ako”.

Dito, makikita natin na tinatanong ng tao ang kanyang sarili kung lalabas ba siya o hindi. Siguro naman ay may planong puntahan ang tao. Ngunit, dahil nakita niya na malakas ang ulan, parang hindi na siya sigurado. Isa rin sa mga rason kung bakit niya tinanong ang sarili niya ay dahil sa balitang may bagyong paparating.

Masama ang magnakaw, pero wala na akong magagawa

Heto ang kadalasang nangyayari sa mga lugar kung saan laganap ang kahirapan. Maraming tao ang gumagawa ng trabaho na kapit sa patalim para lamang maitaguyod ang kanilang sarili. Kaya naman, alam mismo nila sa kanilang sarili na masama ang magnakaw, pero wala na silang magagawa.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Konkreto At Di Konkreto Pangungusap Halimbawa

Leave a Comment