Ano Ang Mga Halimbawa Ng Ibat-Ibang Uri Ng Tunggalian?
URI NG TUNGGALIAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang ibat-ibang uri ng tunggalian at ang mga halimbawa nito.
Una sa lahat, alamin muna natin kung ano nga ba ang tunggalian. Kapag sinasabi nating tunggalian, ang ating tinutukoy ay ang isang emelento ng maikling kwento. Ito’y tumutukoy sa mga isyu at problema na hinaharap ng mga pangunahing tauhan.
Mayroon ring ilang uri ng tunggalian. Heto ang mga halimbawa:
Panloob na Tunggalian – Ito’y uri ng tunggalian na nangyayari sa loob mismo ng tauhan. Dito, ang kanyang pangunahing kalaban ay ang kanyang sarili at ang mga problemang internal. Ito’y kadalasan na makikita kapag ang mga tauhan ay mayroong “internal conflict” o kaya’y nahihirapan sa mga desisyon.
Panlabas na Tunggalian – Dito natin makikita ang mga problema katulad ng tao laban sa tao. Ang tunggaliang ito ay nagpapakita ng laban ng tauhan at iba pang tauhan.
Tao laban sa Kalikasan – Ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga pwersa ng kalikasan. Isang halimbawa nito ay ang biglaang pag lindol ng malakas, o pagbagyo na naglalagay sa mga tauhan sa panganib.
Tao laban sa Lipunan – Dito, ang ating mga pangunahing tauhan ay lumalaban sa lipunan. Halimbawa nito ang pagsuway sa mga alituntunin ng lipunan o di kaya ay ang pagtakwil sa kultura ng lipunan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Bakit Mahalaga Ang Pilosopiya Sa Ating Buhay – Halimbawa