Sagot Sa Tanong Na Bakit Mahalaga Ang Pilosopiya?
PILOSOPIYA – Sa paksang ito, ating sasagutin kung bakit mahalaga ang sangay ng agham na tinatawag na pilosopiya at ang mga halimbawa nito.
Ang Pilosopiya ay isang sangay ng agham na maaari nating gamitin sa kahit ano mang aspeto. Ito ay dahil maraming paksa ang tinatalakay ng pilosopiya at maraming paraan ng pag-aaral at pagtatalakay nito.
Sa pamamagitan ng pilosopiya, mapapatalas natin ang ating pagtugon sa suliranin, ating komunikasyon, talento sa pag-akit ng madla, ang ating talento sa pagsulat, at marami pang iba.
Ang Pilosopiya rin ay ang pondasyon ng kritikal na pag-iisip. Bukod rito, ang Pilosopiya ay nagbibigay ng mga mahahalagang katanungan na kung saan maaari nating bigyan ng sagot.
Hindi lahat ng mga katanungan sa mundo ay maisasagot ng siyensiya. Dahil dito, kailangan nating ng Pilospiya. Maaari rin nating sabihin na gamit ang agham, posible tayong mamuhay ng matagal. Ngunit, sa Pilosopiya, maaari tayong mamumuhay ng mas maganda at mas mapayapa.
Karagdagan, ang mga Pilosopiya ay puwede ring gamitin sa mga negosyo. Ito’y dahil maraming mga komplikadong isyu ang mararanasan sa anu mang mga negosyo. Dahil dito, kailangan ang kritikal na pag-iisip upang ito’y mabigyan ng solusyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Pagkakaiba Ng Alamat At Pabula – Halimbawa At Paliwanag