Ano Ang Kaibahan Ng Salawikain At Kasabihan? (Sagot)
KAIBAHAN NG SALAWIKAIN AT KASABIHAN – Ang Salawikain at Kasabihan ay maraming pagkakatulad. Sa paksang ito, ating hahanapin ang mga kaibahan nila.
Pareho lamang ang mga kasabihan at mga salawikain na nagbibigay aral na maaari nating gamitin sa ating buhay. Ngunit, ang mga salawikain ay patalinhagang pahayag na kadalasan ay ginagamit ng mga matatanda. Ito Ang mga salawikain rin ay ginagamit bilang gaba ng nakakatanda sa mga kabataan.
Sa Ingles, ang Salawikain ay tinatawag na “proverb”. Samantala, ang Kasabihan naman ay tinatawag na “Saying”. Pero marami ring mga kasabihan ang nangaling sa mga salawikain.
Kung ating titignan ang mga kasabihan, ito’y kadalasng galing sa mga karanasan ng mga mas nakakatanda sa atin. Ang mga ito ay mga ideya o pahayag na pinaniniwalaan ng karamihan na totoo.
Tandaan lamang natin na walang malaking pinagkaiba ang salawikan at kasabihan at pareho lamang silang nagbibigay ng gamay sa ating buhay.
- Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
- Kung ano ang puno, siya ang bunga.
- Kung walang tiyaga, walang nilaga.
- Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.
- Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
- Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
- Kung may tiyaga, may nilaga.
- Para igalang ang magulang, anak ay turuan.
- Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang kamatayan ay nakasunod parati.
- Kung walang katahimikan, walang pagsulong ang bayan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kahulugan ng Panaguri & Mga Halimbawa Nito sa Pangungusap
Kala q parehas langang salawikain at kasabihan