Ano Ang Di-Karaniwang Ayos ng Pangungusap & Mga Halimbawa ng Pangungusap Na Ito
DI-KARANIWANG AYOS NG PANGUNGUSAP – Narito ang kahulugan ng ayos ng pangungusap na ito at ilang mga halimbawa.
Isa sa mga topiko na itinatalakay sa ilalim ng asignaturang Filipino sa elementarya ay ang ayos ng pangungusap. May dalawang ayos ng pangungusap – ang karaniwang ayos ng pangungusap at ang di-karaniwan.
Madaling matukoy ang ayos ng isang pangungusap kapag alam mo kung paano tukuyin ang simuno at ang panaguri. Ang simuno ay ang bahagi ng pangungusap na pinag-uusapan samantalang ang panaguri naman ang siyang nagsasabi tungkol sa simuno.
Halimbawa ng Pagtukoy ng Simuno at Panaguri:
- Inalis ni Mang Alvior ang lahat nga mga sisidlan ng tubig upang makadaan ang sasakyan. (Simuno=Mang Alvior; Panaguri=inalis)
- Si Dr. Fructuso ang tumingin sa ama ni Wilson at siya rin ang nagbigay ng gamot para sa mga sugat nito (Simuno=Dr. Fructuso; Panaguri=tumingin)
- Ipinadala ni javier ang lahat ng mga tsokolate sa pamilya niya sa Pilipinas. (Simuno=Javier; Panaguri=ipinadala)
Sa di-karaniwang ayos ng pangungusap, ang simuno ay nauuna kaysa sa panaguri. Narito ang ilang mga halimbawa ng pangungusap na nasa di-karaniwang ayos:
- Si Miguel ang nagsabi na ibigay na lang sa nakababata niyang kapatid ang mana para sa kanya.
- Simuno = Miguel
- Panaguri = nagsabi
- Ang guro ay maagang dumating sa paaralan upang mapaghandaan ang pagsusulit na ibibigay niya mamaya.
- Simuno = guro
- Panaguri = dumating
- Si Patrick ay naglagay ng maraming asukal sa niluluto niya kaya na sobrahan ito sa tamis.
- Simuno = Patrick
- Panaguri = naglagay
- Ang mga bata ay tumalon sa tuwa nang marinig na lahat sila ay nakapasa sa pinal na pagsusulit.
- Simuno = mga bata
- Panaguri = tumalon
Maraming salamat sa pag bisita sa Philnews.ph. Maari kayong mag-iwan ng komento o katanungan sa ilalim. Pwede niyo ring i-like or mag subscribe sa mga sumusunod:
- Facebook,
- YouTube: Philnews Ph.
Pwede ring basahin – TUON NG PANDIWA: 7 Tuon Ng Pandiwa, Mga Halimbawa