Ano Ang Pataas Na Aksyon Ng Kwentong “Ang Ama”? (Sagot)
ANG AMA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pataas na aksyon ng kwentong “Ang Ama” at kung bakit.
Sa kwento na “Ang Ama” maraming kaganapan tayong mababasa tungkol sa pang-araw2 na buhay ng isang pamilya. Nagsimula ang kwento sa paglalarawan sa ama bilang isang abusado at nakakatakot na tao.
Pero sa gitna ng kwento, nalaman natin na dati’y puno nag pagmamahal ang ama at nagsimula lamang ang pang-aabuso niya matapos ito malulong sa alak. Ngunit, ang pataas na aksyon ng kwentong ito ay nagsimula nang umuwi ang Ama na lasing.
Sa pagkakataong ito, ang pinakabatang anak niya na si Mui Mui ay umiiyak at hindi ito mapa kalma ng kanyang kapatid. Halata na masyadong naka inom ang kanilang Ama at galit dahil na sisante ito sa kanyang trabaho.
Kaya, nung umuwi ito at narinig ang walang-pigil na pag-iyak ng kanyang anak, sinapak niya ito ng malakas at si Mui Mui ay tumalsik sa kabilang kwarto at nawalan ng malay.
Dito natin makikita ang masamang epekto ng patuloy na pag-inom ng Ama sa kanyang pamilya. Pagkatapos nito, bumababa na ang enerhiya ng kwento kasunod ang pagkamatay ni Mui Mui.
Sa pagkakataong ito, nag bagong buhay na ang Ama at tumigil na sa kanyang bisyong pag-iinom ng alak. Subalit, labis pa rin ang pagsisisi nito dahil sa nagawa sa kanyang anak na si Mui Mui.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Buod Ng Ang Ama – Buod Ng Kwentong Isinulat Ni Mauro R. Avena