Ilang Halimbawa ng mga Pangungusap na Gumagamit ng “Nang”
“NANG” HALIMBAWA – Narito ang ilang mga halimbawa ng mga pangungusap na gumagamit ng katagang “nang”.
Hindi maikakaila na isa sa mga topiko sa Filipino na marami sa atin ay palaging nagdadalawang-isip ay ang tungkol sa paggamit ng “ng” at “nang”. Kadalasan, nagdadalawang-isip tayo kung alin ba ang tamang gagamitin.
Ang “ng” ay ginagamit kasunod ng mga pang-uring pamilang, sa mga pangalan, upang magsaad ng pagmamay-ari, at bilang pananda sa gumaganap ng pandiwa sa pangungusap.
Samantalang ang “nang” naman ay ginagamit sa gitna ng mga pandiwang inuulit, pampalit sa “na at ang”, at upang magsaad ng kilos. Narito ang halimbawa ng mga pangungusap na gumagamit ng “nang”:
Mga Pangungusap na Gumagamit ng “Nang”
… ginagamit sa gitna ng mga pandiwang inuulit:
- Iyak nang iyak ang bata pagkatapos na tumanggi ang kanyang ama na bilhan siya ng bagong laruan.
- Tahol nang tahol ang aso dahil sa mga bagong mukha na nakita nito sa gitna ng pandiriwang sa bahay ng mga Mendez.
- Takbo nang takbo ang mga bata kaya sa sobrang pagod ay mabilis silang nakatulog sa gabi.
- Bigay nang bigay si Don Marciano kaya hindi alam ng mga anak niya ang magbanat ng buto.
- Umalis na lamang si Dante dahil alam niyang kahit anong sabihin niya, iyak nang iyak pa rin ang bata.
… bilang pampalit sa “na at ang”:
- Nakakainis nang pagiging mabait ni Jules dahil hindi na siya iginagalang ng mga tao.
- Gabi nang dumating si Lourdes sa bahay kaya hindi na niya naabutang gising ang bunsong anak.
- Sobra nang pagpapahiya ng pamilya nina Joaquin sa pamilya natin kaya dapat matigil na ito.
… upang magsasaad ng kilos:
- Pumasok nang dahan-dahan si Simeon upang hindi na magising pa ang mga kapatid niya.
- Ginastos ni Paulo ang pera nang walang paalam mula sa kanyang ina.
- Nilagay niya nang paunti-unti ang mantika upang hindi ito tumalsik.
Thank you for visiting Philnews.ph. You may express your thoughts and reactions below through the comment section. You may also follow us on Facebook, on Twitter, and subscribe to our YouTube channel Philnews Ph.