Daluyan Ng Komunikasyon Ang Wika – Paliwanag At Halimbawa

Bakit Daluyan Ng Komunikasyon Ang Wika? (Sagot)

KOMUNIKASYON – Sa paksang ito, ating aalamin kung bakit nga ba tinatawag na daluyan ng komunikasyon ang ating wika.

Ang wika ay isa sa mga dahilan kung bakit bumilis ang pag progreso ng mga tao. Sa sina-unang panahon, ang komunikasyon ay galing sa mga inukit na simbolo sa bato, malaking dahon, o kaya sa pader ng mga kweba.

Pero, nung na imbento na ang wika, mas naging mabilis ang pag salin ng impormasyon. Dahil dito, bumilis rin ang pag angat ng mga tao. Ang wika ay isang instrumento ng kung saan ang mga kaisipan at mga karanasan ng mga tao ay na-ipapasa.

Daluyan Ng Komunikasyon Ang Wika – Paliwanag At Halimbawa

Subalit, dapat rin nating malaman na may mga pagkakataon na hindi na kailangan ng wika upang magkaroon ng komunikasyon. Halimbawa, ang ‘facial expression’ ng isang tao ay masasabi rin na isang anyo ng wika.

Bukod rito, ang wika ay nagiging tulay rin ng komunikasyon dahil ito ang pinakamadaling paraan para ma intindihan ka ng mga tao sa iyong komunidad. Dapat rin nating tandaan na ang wika ay hindi lamang ginagamit upang mag pasa ng impormasyon, kundi pati na rin sa mga emosyon at damdamin ng tao.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Tula Gamit Ang Akrostik Ng “AKADEMIKO” – Mga Halimbawa

Leave a Comment