Halimbawa Ng Mga Tula Gamit Ang Akrostik Ng Salitang “AKADEMIKO”
AKROSTIK – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang mga tula na maaring gawin gamit ang akrostik ng salitang “Akademiko”.
Ang mga Akrostik ay isang tula o iba pang kasulatan, o kasabihan na kung saan ang unang titik ng bawat linya ay mayroong mensahe.
Meron ring komplikadong uri ng akrostik na ang unang titik ng mensahe ay hindi sa unahan ng bawat linya kundi makikita sa kita nito. Maari ring nasa unahan ng talata ang unang titik ng mensahe at hindi sa unahan ng bawat linya. Heto ang mga halimbawa para sa salitang “Akademiko”.
A – ating pag-isipan ang
K – kahalagahan ng pag-aaral at huwag itong
A – abandunahin
D – dahil ang ating
E – edukasyon ay
M – makapagbibigay sa atin ng
I – isang magandang
K – kinabukasan sa anumang
O – okasyon.
A – ang ating bayan
K – kailangang ipaglaban
A – ano man ang hinaharap
D – di’ dapat iwanan.
E – ehemplo ng katotohanan, tayong mga
M – mamamayan
I – itong laganap na
K – korapsyon
O – obligasyon nating pigilan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Pagiging Bayani Sa Paaralan – Paano Mo Ito Maipapakita?