Paano Nga Ba Sinasalamin Ng Wika Ang Kultura? (Sagot)
WIKA AT KULTURA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi.
Sa Pilipinas, matatagpuan nating ang iba’t-ibang wika at diyalekto. Bukod rito, mayroon rin ang ating bansa ng iba’t-ibang kultura. Pero, kahit na ganito ang Pilipinas, nagkaka-isa pa rin ang mga Pilipino.
Kahit na halos 400 na taon tayong sakop ng Ispanya, ang kultura ng Pilipino ay nanatili pa rin. Ito ay dahil sa heyograpiya ng bansa nating bilang isang arikipelago. Nahihirapan tayong lubos na sakupin ng mga dayuhan dahil kalat-kalat ang ating mga lugar.
Pero, paano nga ba sinasalamin ng wika ang ating kultura? Sa mga salita ni Jose Rizal, “Ang hindi marunong mag mahal sa sariling wika, ay higit sa hayop at malansang isda”.
Ang Wika Filipino ay isang koleksyon ng iba’t-ibang wika na matatagpuan sa ating bansa. Ang mga wikang ito ay diretsahang nakakonekta sa ating kultura. Ito ay dahil mahalaga ang wika dahil hindi lamang ito berbal at di-berbal. Ito ay parte ng pagkakakilanlan ng isang tao at bansa.
Bukod dito, ang wika ay mahalaga rin sa sining. May mga konsepto at ideolohiya na makikita lamang o maiintindihan sa wikang Pilipino.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Core Filipino Values And Cultural Concepts And Their Importance