Ano Ang Kahalagahan Ng Kontemporaryong Isyu? (Sagot)
KONTEMPORARYONG ISYU – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahalagahan ng mga kontemporaryong isyu at bakit ito kailangang pag-aralan.
Ang mga kontemporaryong isyu ay ang mga kaganapan sa ating lipunan na nangyayari sa kasalukuyan. Ilan lamang sa mga mainit na kontemporaryung isyu ay ang pandemyang COVID-19, Korupsyon, at iba pa.
Pero bakit ito mahalaga? Kapag tayo ay nanonood ng mga kontemporaryung isyu, tayo ay nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating lipunan. Dahil dito, nalilinang ang ating kritikal na pag-iisip.
Bukod rito, maari rin nating maiugnay ang ating sarili sa nagaganap na mga isyu. Ang pagkakaroon ng personal na koneksyon sa isyu ay nakakapag dulot ng tinatawag na simpatiya para sa mga taong apektado ng mga isyung iyon.
Sa ganoong paraan, nabibigyan halaga ang mga tauhan, pangyayari at isyu at nahahasa ang iba’t-ibang kasanayan at pagpapahalaga. Ang mga kontemporaryong isyu ay mahalaga rin para malinaw tayo sa totoong nangyayari sa ating lipunan.
Mahalaga rin ang impormasyong binibigay ng mga kontemporaryong isyu na maaring makakatulong sa ating buhay. Ang isa sa pinaka madaling halimbawa nito ay ang pandemyang COVID-19.
Kung ikaw ay nakikinig sa mga kontemporaryung isyu tungkol dito, makikita mo ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kung paano ito iwasan. Makikita mo rin ang mga mahalagang detalye tungkol sa mga quarantine na ipinapasa sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Positibong Katangian Ng Komunidad – Mga Halimbawa