Positibong Katangian Ng Komunidad – Mga Halimbawa

Ano Ang Mga Positibong Katangian Ng Isang Komunidad? (Sagot)

POSITIBONG KATINGAN NG KOMUNIDAD – Sa paksang ito, ating aalamin ang iba’t-ibang mga mabubuting katangian ng isang komunidad.

Isa sa mga positibong katangian ng komunidad ay ang pagiging malaya ng mga tao. Ang mga tao sa komunidad ay mayroong kakayahang makamit ang kanyang mga gusto at nagagampanan ang mga karapatan nila at pangangailangan.

Positibong Katangian Ng Komunidad – Mga Halimbawa

Bukod rito, ang isang komunidad ay mayroon ring positibong katangian kung ito ay nagpapahalaga sa kalusugan ng mga mamamayan. Kapag malayo sa sakit ang mga tao sa isang komunidad, mas nagiging epiktibo sila sa kanilang mga gawain.

Isa rin sa mga mahahalagang katangian nito ay ang pagkakaroon ng malakas na kahalagahan sa edukasyon. Alam naman nating lahat na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Subalit, makakamit lamang ito kapag ang mga kabataan ay na bigyan ng oportunidad na mag aral.

Sa tulong ng edukasyon, nagkakaroon ng magagandang trabaho at kaalaman ang mga kabataan tungkol sa kanilang komunidad. Dahil dito, maari rin nilang balikan ang kanilang mga komunidad upang tulungan ito.

Ang pagkakaroon rin ng epektibong pamumuno ay isa sa mga mahalagang katangian ng isang komunidad. Nagiging maunlad ang isang lipunan kung mayroong mga taong ginagawa ang lahat upang mapabuti ang komunidad.

Pero, hindi makakapagkaroon ng mapayapang komunidad kung puno ng korupsyon ang mga namamahala nito. Hindi na napupunta sa mga tao ang pera nila sa pagpapaayos ng kanilang lugar, kundi sa mga pulso ng mga korupt na nasa pamahalaan.

Heto ay nabibigyan ng solusyon sa mga halalan. Kaya naman, dapat na iboto ang mga taong alam natin ay makakatulong talaga sa mga mamayan. Hindi yung puro lamang pangako.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Alamat Ng Kasoy Buod, Mga Mahahalagang Aral At Iba Pa!

Leave a Comment