Anu-Ano Ang Mga Antas Ng Lipunan? (SAGOT)

Anu-Ano Ang Mga Antas Ng Lipunan? (SAGOT)

ANTAS NG LIPUNAN – Ating alamin at tuklasin sa paksang ito ang mga antas ng lipunan at ang kahulugan ng bawat isa.

ANTAS NG LIPUNAN

Ito ay isa sa mga paksa na natutunan natin sa subject na HEKASI. Ang HEKASI ay isang subject na sakop ang Heograpiya, Kasaysayan at Sibika o sa Ingles na Geography, History at Civics.

Ang mga antas na ito ay mula sa sinaunang lipunan na kung saan ito ay nahahati sa tatlo: maharlika, timawa at aliipin.

Ating alamin ang bawat isa:

  • Maharlika
    • Ito ang pinakamataas na antas. Dito nabibilang ang mga datu, raja, sultan at ang kanilang pamily at kaanak. Sila ang mga makapangyarihan sa lipunan at mga inaahasan nga taong mamuno sa mga labanan, kalakalan, gawaing panlipunan, panrelihiyon at iba pang ugnayan.
  • Timawa
    • Sila naman ang pangalawang pinakamataas na antas. Kilala rin sila bilang malaya. Kabilang naman dito ang mga mangangalakal, mandirigma at iba pang mga karaniwang mamayang inilang malaya o naging malaya mula sa pagkaalipin.
  • Alipin
    • Ang pinakamababang antas. Sila ay naging alipin sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng namana sa mga magulang dating alipin, nabihag sa labanan o parusa sa hindi nakabayad sa mga utang o nakagawa ng kasalanan.

BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Kasabihan? – Kahulugan At Paliwanag

Leave a Comment