Sanaysay Tungkol Sa Inang Wika – Halimbawa Ng Sanaysay

Heto Ang Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Inang Wika

SANAYSAY TUNGKOL SA INANG WIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit mahalaga ang inang wika sa pamamagitan ng isang sanaysay.

Isang palatandaan ng ating pagka-Pilipino ay ang ating wika. Sentro ng ating mga relasyon ay ang kakayanan nating makipag-ugnayan sa bawat isa.

Sanaysay Tungkol Sa Inang Wika – Halimbawa Ng Sanaysay

isa. Itong tinatawag nating Inang wika, na kung saan ay ang Tagalog, ang naging tulay ng bawat Pilipino. Tulay tungo sa pagbubuklod-buklod ng mga taong bayan saan mang sulok ng bansa sila naroon.

Dapat nating mahalin itong ating Inang wika sapagka’t ito ang isa sa mga nagpapaalala sa atin ng ating tunay na kalayaan. Malaya na nating mabibigkas at maiintindihan ang wikang sinasalita ng bawat isa.

Hindi tulad ng sa panahon ng pananakop sa atin kung saan dayuhang wika ang pinapagamit at hindi pa ito maiintindihan kung ika’y hindi nakapag-aral. Masasabi nga nating isang handog itong wikang ating pinagyayabang dahil ito ang bumubuo ng ating sarili.

Nakikilala narin natin ang bawat isa, hindi bilang bihag ng kung sinong dayuhan, kundi bilang isang responsableng mamamayan ng ating sariling bayan. Ang wikang ito ang nagpaparamdam sa atin ng ating kalayaang kumilos at magpahayag ng ating mga saloobin. Saloobin na dapat ay hindi natin kinakatakot na ipahiwatig.

Tayo ay biniyayaan nitong wika upang lahat ay magkaisa at hindi sa paraang pagkakaitan ang iba ng karapatang makapagpahayag ng kanilang mga hinaing. Dapat nating bigyang halaga itong wikang inaalagaan at huwag nating hayaan na ang kalayaang dinulot nito ay malagay lamang sa wala.

BASAHIN RIN: Talata Tungkol Sa Pagtutulungan – Halimbawa At Iba Pa!

Leave a Comment