Ano Ang Kontribusyon Ng Social Media Sa Wika? (Sagot)
KONTRIBUSYON NG SOCIAL MEDIA – Maraming benipisyo na binibigay ang social media, isa na rito ay ang pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa Wika.
Hindi lamang ginagamit ang social media sa pag post ng mga larawan at videos. Puwede rin itong gamiting plataporma para sa edukasyon at adbokasiya. Dahil sa social media, may plataporma na ang mga tao para ipamahagi ang kanilang kaalaman tungkol sa wika.
Isa ito sa mga modernong paraan ng pagtuturo na mas nakakabagay sa mga kabataan. Dito, puwedeng gumawa ng libreng kampanya nang pagbibigay suporta sa kahalagahan ng wika. Puwedeng gumawa ng infographic tungkol sa wika na nakaka akit sa lahat ng tao na puwedeng ipakalat ng libre sa malawak na tagapanood.
Dahil rito, ang social media ay nagbibigay ng malaking kontribusyon sa pagpapakita ng kahalagahan ng wika. Binibigyan nito ng modernong estetika ang pagtuturo ng wika na mas makikilala ng karamihan, lalo na sa mga kabataan.
Ang wika ay malaking parte ng ating kultura at dapat ito bigyang halaga. Ito ang nagpapakita sa atin nag pagkakaisa at higit sa lahat, ito ay nagsisilbing palatandaan ng ating kalayaan. At, dahil sa social media, puwede na nating itong ipagmamalaki, kahit saan man tayo sa mundo.
BASAHIN RIN: Pagmamalasakit Sa Ating Wika: Sinu-sino Ang May Malasakit Sa Wika?