Mga Halimbawa Ng Denotatibo At Konotatibo Na Mga Salita
DENOTATIBO AT KONOTATIBO – Sa paksang ito, tatalkayin natin ang iba’t-ibang halimbawa ng denotatibo at konotatibong mga salita.
Ang denotatibong mga salita ay ang literal na kahulugan nito at makikita sa diksyonaryo.
![Denotatibo At Konotatibo Halimbawa At Kahulugan](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2020/08/image-102.png)
Samantala, ang konotatibo naman ay salitang may patago na kahulugan. Heto ang mga halimbawa:
- Ahas
- Apoy
- Haligi
- Larawan
- Leon
- Putik
- Bato
- Mahangin
- Malalim
- Makitid
Salita | Denotatibo | Konotatibo |
AHAS | Isang uri ng hayop na walang paa at gumagapang | Taong binigyan mo ng tiwala ngunit ika’y trinaidor. |
APOY | Isang elementong mainit at ginagamit upang mag luto o sa industriya | Naglalarawan sa matinding damdamin tungo sa isang tao, bagay, o pangyayari. |
HALIGI | Ito ang tinatawag nag sisilbing pundasyon ng mga bahay at gusali | Naglalarawan ito sa mga Ama ng tahanan. |
Larawan | Ito ay isang litrato na kinuha o ginuhit ng isang tao | Tumutukoy sa katangian ng isang tao. |
Leon | Isang hayop na makikita sa kagubatan, malakas at malaki. | Ito ay naglalarawan sa taong matapang at walang inuurungan. |
Putik | Marumi at basang lupa na iniiwasan ng mga taong may puting sapatos | Mga mahihirap at naghihikahos sa buhay. Sila rin ay tinawatawag na hampas lupa |
Bato | Isang natural na bagay na makikita kahit saan. | Naglalarawan sa mga taong may matitigas na damdamin. |
Mahangin | Ito ay sitwasyon kung saan malakas ang ihip ng hangin | Tawag sa taong mayabang at malaki ang ulo. |
Malalim | Tumutukoy sa kung ano ka lalim ang isang bagay | Ito ay naglararawan sa taong maraming iniisip tungkol sa mga problema ng lipunan |
Makitid | Naglalarwan sa isang masikip na daanan o espasyo | Ito ang tawag sa taong hindi “open minded”. Sila rin ang mga taong madaling mang husga. |
Basahin rin: Buod Ng Natalo Rin Si Pilandok – Buod Ng Pabulang Ito
Mata
thank u po