Buod Ng Natalo Rin Si Pilandok – Buod Ng Pabulang Ito
NATALO RIN SI PILANDOK – Ating babasahin ang buong buod ng isang pabula na nangangalang “Natalo Din Si Pilandok”.
Ang pabulang ito ay tungkol sa isang pinakatusong hayop na natalo ng isang maliit na suso. Ang aral na makukuha natin dito ay huwag maging tuso o mapanlinlang dahil maaaring bumalik saiyo kung ano ang nagawa mo.
Narito ang buod ng pabulang ito:
Kilala si Pilandok na isa sa mga pinaka-tusong hayop sa kagubatan. Halos lahat ng uri ng hayop ay naiisahan nya at nagagamit para sa kanyang sariling interes.
Nakalinlang ni Pilandok ang Baboy Ramo at naiwasan nyang makain nito. Sinabi niya sa Baboy Ramo na sa halip na siya ang kainin hay humanap ng isang tao na mas malaki at mas makakabusog sa kanya. Dinala niya ang Baboy Ramo sa mangangaso sa kagubatan. Hinuli ang Baboy Ramo at nakaligtas siya.
Nakatagpo siya ni Buaya na nais siyang kagatin. Alam ng buwaya na mapanlinlang si Pilandok pero niloko pa rin siya. Akala ng Buwaya na kinagat niya ang binti ni Pilandok ngunit isa itong patpat. Nakatakas si Pilandok.
Halos lahat maloko ni Pilandok maliban sa isa: ang suso. Hinamon niya ang suso sa isang karera pero natalo siya nito. Matagal nang napaghandaan ng Suso at ng kanyang mga kapatid ang hamon na ito kaya nagpanggap sila na iisang nilalang para makumbinsi si Pilandok na natalo siya ng suso. Mula noon ay nangako na si Pilandok na hindi na muling manlalamang ng kapwa.
BASAHIN DIN: Ang Kalupi Buod – Kuwento Mula Kay Benjamin Pascual