Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Ang Buod Ng “Ang Kalupi?”

ANG KALUPI BUOD – Ang kuwentong ito ay tungkol sa kahalagahan ng pag-unawa sa kapwa tao. Bukod rito, ang kuwento ay nagpapakita na hindi mabuti ang paghusga sa tao dahil lamang sa kanyang anyo.

Heto ang buod:

Isang araw, pumunta sa Aling Marta sa palengke upang bumili ng ulan para sa hapunan. Ngunit, nung siya’y kailangan ng magbayad, hindi na niya ma hanap ang kanyang kalupi.

Inalala ni Marta na bago siya pumunta sa palengke ay nabangga siya ng isang batang lalaking may maruming maong at punit-punit na kamiseta. Kaya naman, hinabaol kaagad ni Marta ang bata at inakusahang nagnakaw.

Ang Kalupi Buod - Kuwento Mula Kay Benjamin Pascual

Pagkatapos nito, tumawag pa si Aling Marta ng pulis ngunit wala sa bata ang nawawalang kalupi. Subalit, pinilit pa rin ni Marta na ang bata talaga ang nagnanakaw.

Kaya naman pumunta sila sa outpost upang ang isyu nila ay masuri ng maigi. Pinilit ni Aling Marta na paaminin ang bata sa pagnakaw at sinaktan pa ito.

Pero, Nagpumiglas ang bata at nakawala. Dumiretso ito sa isang maluwang na daan ngunit siya ay nabangga ng isang mabilis na sasakyan. Matapos ang ilang sandali, namatay agad ang bata.

Umalis si Marta sa outpost at bumalik sa palengke. Nangutang na lamang ito para makabili ng ulam para sa hapunan. Noong pabalik na siya sa kanyang bahay, nakita niyang ang kanyang mag-awa na nagtataka kung paano siya nakabili ng ulam.

Nagsinungaling si Aling Marta at sinabi na ginamit niya ang pera mula sa kanyang pitaka. Ngunit, Sinabi ng kanyang asawa na naiwan niya ang kanyang pitaka at nawalan siya ng malay habang paakyat ng hagdanan.

Basahin rin: Maylapi Na Pangungusap Halimbawa At Kahulugan

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Ang Kalupi Buod – Kuwento Mula Kay Benjamin Pascual". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.