Ang Aking Pag-ibig: Mga Elemento, Mensahe Ng Tula

Mga Elemento At Mensahe Ng “Ang Aking Pag-Ibig”

ANG AKING PAG-IBIG – (How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret BrowningIsinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Heto ang mga elemento ng tula “Ang Aking Pag-ibig”: sukat, saknong, tugma, kariktan, talinhaga.

Mayroong labingdalawang sukat ang tulang ito. Sunod, ang tulang pag-ibig na ito ay may saknong na apat na linya o “quatrain”. Samantalang ang tugma nito ay may tugma sa katinig na di ganap sa ikalawang lipon.

Ang Aking Pag-ibig: Mga Elemento, Mensahe Ng Tula

Ang kariktan naman ay taimtim, malalim, ant matindi. Pagkatapos, ang talinhaga naman ay matatagpuan sa ikalawang taludtod:

Lipad ng kaluluwang ibig na maratingAng dulo ng hindi maubos-isipin.

Heto ang buong tula galing sa Filipino 10 Blogspot:

Ang Aking Pag-ibig
(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret BrowningIsinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)
Ibig mong mabatid, ibig mong malamanKung paano kita pinakamamahal? Tuturan kong lahat ang mga paraan,Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,Lipad ng kaluluwang ibig na maratingAng dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagayNg kailangan mong kaliit-liitan,Laging nakahandang pag-utus-utusan,Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalakingDahil sa katwira’y hindi paaapi,Kasingwagas ito ng mga bayaningMarunong umingos sa mga papuri.
Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,Tulad ng lumbay kong di makayang bathinNoong ako’y isang musmos pa sa turingNa ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagayAy ang pag-ibig ko sa maraming banal,Na nang mangawala ay parang nanamlaySa pagkabigo ko at panghihinayang.
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,Ngiti, luha, buhay at aking hininga!At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

BASAHIN RIN: Ang Tusong Katiwala: Elemento, Tauhan, At Aral Ng Kwento

1 thought on “Ang Aking Pag-ibig: Mga Elemento, Mensahe Ng Tula”

  1. napaka matalimhaga nang tula,malaman at tunay nagmamahal.dahil nasabi nya ang mga dahilan nang kanyang pagmamahal….

    Reply

Leave a Comment