Buod Ng “Aginaldo Ng Mga Mago”
AGINALDO NG MGA MAGO – Ang mago ay ang mga haring matatalino na pumunta kay Hesus sa kanyang kapanganakan.
Heto ang buod ng kwentong “Aginaldo Ng Mga Mago:
Hindi alam ni Delia kung anong regalo ang ibibigay niya sa asawang si jim. Bukod rito, hindi niya rin alam kung anong regalo ang pwede niyang bilhin sa natitirang perang piso at walumpu’t sentimos.
Dahil rito, napaisip siyang ipagupit ang kanyang napakagandahang buhok. Ang kanyang buhok ay ma alon-alon kaya naman plano niyang ibenta ito.
Napaiyak si Delia dahil sa kanyang ginawa pero napalitan rin ito ng ligaya nang maka tanggap siya ng bente pesos para sa kanyang buhok. Ngayon, may pera na siyang pambili ng regalo sa kanyang asawa.
Bumili siya ng Kadenang platino para sa paboritong relo ng kanyang asawa na matagal na niyang inaasam. Pag-uwi ni Delia, nakaabang na rin upang ibigay ang kanyang asawa upang magbigay ng kanyang regalo. Nung nakita ni Jim ang kanyang asawa, nagulat ito dahil sa bagong hitsura niya.
Niregaluhan panaman sana ni Jim si Delia ng magagandang suklay para sa magandang buhok ng kanyang asawa na mataga na rin nitong gusto. Bukod rito, binenta rin ni Jim ang kanyang paborito na relo para ma bili ang mga suklay.
Hindi na ngayon magagamit ng mag-asawa ang mga regalo nila para sa isa’t-isa. Dito nila na intindihan na ang pasko ay hindi lamang tungkol sa mga materyal na regalo, kundi pati ang pagpapalitan ng pagmamahalan.
Mga tauhan sa kwento:
- Delia Dilingham-
- James Dilingham
- Jim
BASAHIN RIN: Ang Aking Pag-ibig: Mga Elemento, Mensahe Ng Tula