Kabanata 61 Noli Me Tangere – “Ang Barilan Sa Lawa” (BUOD)

Kabanata 61 Noli Me Tangere – “Ang Barilan Sa Lawa” (BUOD)

KABANATA 61 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 61 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 61 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikaanim na pu’t isang kabanata.

Ang Kabanata 61 ay may titulo na “Ang Barilan Sa Lawa” na sa bersyon Ingles ay “The Chase On The Lake”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Dadalhin ni Elias si Ibarra sa Mandaluyong para ddon pansamantalang magtago. Ibibigay daw ng piloto ang pera na itinago niya sa puno ng balete upang magamit ni Ibarra paalis ng bansa. Inaya ni Ibarra na sumama si Elias dahil parehas naman sila ng dinanas, ngunit tumanggi ito.

Pagdating sa tapat ng palasyo, nakita nilang may nanonota. Itinago ni Elias ang binata sa ilalim ng mga dahon. Sinabi nito sa mga bantay na tutungo siya sa Maynila upang magdala ng damo. Nakalusot sila sa mga bantay.

Nang makalagpas naman sa bunganga ng Ilog Pasig, isang palwa ng mga sibil ang papalapit sa kanila. Ililiko sana ng piloto ang bangka pero naisip niyang wala silang wala silang laban dahil sa armas ng mga ito.

Sinabi nito kay Ibarra na magkita na lamang sila sa Noche Buena sa libingan ng nuno ni Ibarra at tumalon palabas ng bangka. Pinaulanan siya ng bala ng mag sibil. Dahil malayo na ang narating ni Elias, hindi na sinundan. Umalis na rin ang mga ito nang may nakitang dugo sa tubig.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 60 – Ikakasal Na Si Maria Clara
Kabanata 62 – Ang Pagtatapat Ni Padre Damaso

Leave a Comment