Kabanata 60 Noli Me Tangere – “Ikakasal Na Si Maria Clara” (BUOD)

Kabanata 60 Noli Me Tangere – “Ikakasal Na Si Maria Clara” (BUOD)

KABANATA 60 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 60 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 60 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalimampu’t siyam na kabanata.

Ang Kabanata 60 ay may titulo na “Ikakasal Na Si Maria Clara” na sa saling Ingles ay “Maria Clara Weds”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Maligaya si Kapitan Tiago dahil hindi siya inusug ng pamahalaan. Kabaligtaran ni Tinong na mula nang imbitahan ng pamahalaan ay di na nakausap nang maayos at di na lumalabas.

Dumating naman ang mga De Espadaña sa bahay ni Tiago kasama si Linares. Sinabi ni Donya Victorina, nararapat lamang na maparusahan si Ibarra sa ginawa. Hinarap ni Maria Clara ang mga bisita.

Napag-usapan ang kasal nina Maria at Linares. Payag na si Tiago na ikasal si Maria kay Linares dahil tagapayo ito ng Kapitan Heneral.

Napuno kinabukasan ng bisita ang bulwagan ni Kapitan Tiago. Kabilang dito ang mga Instik, mga paring sina Salvi at Sibyla. Naging usap-usapan ang pagpapakasal ni Maria kay Linares. Sabi ng ilan ay ginagawa lamang daw ito dahil papaslangin na si Ibarra,

Nagtungo si Maria sa asotea. Nakita niya sa isang lumang bangka sina Elias at Ibarra na tatakas. Sandaling nag-usap ang dalawa at sinabi ni Maria na si Ibarra pa rin ang mahal nito. Umalis na rin ang dalawa pagkatapos makipag-usap kay Maria.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 59 – Pag-Ibig Sa Bayan
Kabanata 61 – Ang Barilan Sa Lawa

Leave a Comment