Kabanata 59 Noli Me Tangere – “Pag-ibig Sa Bayan” (BUOD)

Kabanata 59 Noli Me Tangere – “Pag-ibig Sa Bayan” (BUOD)

KABANATA 59 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 59 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 59 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalimampu’t siyam na kabanata.

Ang Kabanata 59 ay may titulo na “Pag-ibig Sa Bayan” na sa saling Ingles ay “Patriotism and Private Interests”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Naihayag sa mga dyaryo sa Maynila ang nangyaring paglusob ng mga inapi o sawimpalad. Iba-ibang estilo at uri ng balita ang nailathala. Maligalig ang mga tao sa kumbento at kaniya-kaniyang bigay ng kanilang pahayag.

Naging usapan naman sa ibang kumbento na pilibustero ang mga mag-aaral sa Ateneo. Hindi naman mapakali si Kapitan Tinong mula sa Tondo na minsang tumulong kay Ibarra.

Nagagalit kasi ang asawa niyang si Tinchang dahil dapat nasa Kapitan-Heneral ang kaniyang paglilingkod at di sa mga naghihimagsik.

Dumating naman si Don Primitivo na pinsan ni nchang. Inabihan nito si Tinong na gumawa na ng huling habilin dahil sa pakikipagkaibigan kay Ibarra. Nahimatay ito dahil sa narinig. Nang magising, pinayuhan siya ni Primitivo na biggyan ng anmuang mamahaling regalo ang heneral at sabihing pamasko ito. At sunugin ang anumang kasulatang mayroon si Tinong na mula kay Ibarra.

Usap-usapan naman sa Intramuros ang nangyaring pag-aklas. Marami ang nagsasabing taksil si Ibarra dahil sa nangyari. Sinabi pang ang paaralan ay para lamang sa mga plano nito.

Nag-imbita naman ang pamahalaan ng ilang mag-anak sa Tondo para sa pagtulog sa Fuerza de Santiago, kabilang na dito si Kapitan Tinong.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 58 – Ang Isinumpa
Kabanata 60 – Ikakasal Na Si Maria Clara

Leave a Comment