Kabanata 55 Noli Me Tangere – “Ang Pagkakagulo” (BUOD)
KABANATA 55 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 55 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalimampu’t limang kabanata.
Ang Kabanata 55 ay may titulo na “Ang Pagkakagulo” na sa bersyong Ingles ay “The Catastrophe”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Oras na ng hapunan pero walang gana si MAria. Niyaya niya si Sinang para magtugtog ng piyano.
Sa kabila naman ay naglakad-lakad is Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Habang hinihintay si Ibarra, di mapakali si Maria at ang mga kaibigan nito.
Nang sumapit ang ikawalo ng gabi, nasa may sulok ang pari, samantala ang magkaibigan ay di alam kung ano ang dapat nilang gawin. Ng tumugtog ang kampana, biglang dumating si Ibarra na mukhang luksang-luksa sa suot.
Sinubukan ni Maria na lapitan si Ibarra pero may biglang pumutok na baril sa labas. Natakot ang mga tao at nagtago. May mga sumisigaw ng “tulisan” sa loob ng bulwagan.
Nang matapos na ang gulo, tiniyak ng Alperes na wala ng panganib sa labas at siniguradong maayos ang lahat.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 54 – Ang Pagbubunyag
Kabanata 56 – Ang Mga Sabi at Kuro-Kuro