Kabanata 47 Noli Me Tangere – “Ang Dalawang Senyora” (BUOD)
KABANATA 47 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 47 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikaapat na pu’t pitong kabanata.
Ang Kabanata 47 ay may titulo na “Ang Dalawang Senyora” na sa bersyong Ingles ay “The Two Señoras”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Magkaakbay na namamasyal sina Don Tiburcio at Donya Victorina habang nasa sabungan si Kapitan Tiago. Tinitingan nila ang bahay ng mga Indio.
Nababalisa si Victorina kapag nagbibigay-pugay sa kaniya ang mga Indio. Inutusan niya si Tiburcio na mamalo ng sobrero pero tumanggi ito dahil sa kanyang kapansanan.
Nang mapadaan ang dalawa sa bahay ng alperes, nagkatinginan sina Victorina at Consolacion. Iniistima nila ang isa’t isa at tinitigan mula ulo hanggang paa. Dumura si Victorina sa harap ng bahay ng alperes na lalong ikinaasar nito.
Sumugod si Consolacion at nagsagutan ang dalawa. Nilait ni Victorina ang alperes habang nilait naman ni Consolacion ang kapansanan ni Tiburcio. Pumasok sa bahay at kumuha ng latigo si Consolacion ngunit inawat ng mga asawa ang kabiyak nila.
Narinig ang away sa buong bayan. Inutusan ni Consolacion na barilin ang Don habang si Victorina naman ay inutusan ang asawang barilin and alperes. Tumanggi silang dalawa at nahablot ang pustiso ng asawa.
Bumalik na sa bahay ni Tiago ang mag-asawa. Nagdadadaldal ang Donya sa nangyari. Nagpahatid naman si Maria Clara sa silid habang inaabot ni Tiago ang bayad niya sa mag-asawa at umalis na ang mga ito.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 46 – Ang Sabungan
Kabanata 48 – Ang Talinghaga