Kabanata 35 Noli Me Tangere – “Ang Usap-Usapan” (BUOD)
KABANATA 35 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 35 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung limang kabanata.
Ang Kabanata 35 ay may titulo na “Ang Usap-Usapan” na sa bersyong Ingles ay “Comments”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Napuno ng sigla at kasiyahan ang idinaos na piging sa bayan. Kagaya ng karaniwang pangyayari, ang mga dumalo ay nahahati sa dalawang grupo. Ang samahan ng mga matatandang babae at lalaki at ang grupo ng liberal.
Napawi ang masayang usapan nang biglang dumating ang pamosong pari. Sa bungad na salita pa lamang nito ay hindi na kagandahan ang ilalabas sa bibig nito. Walang habas niyang inalipusta ang pagkatao ni Ibarra maging ang alaala ng kanyang yumaong ama na si Don Rafael.
Dahil dito, tumayo ang nanahimik at nagtitimping si Ibarra at sinunggaban si Padre Damaso. Dala ng kanyang edad at mabigat na pangangatawan ay hindi na nakuhang lumaban ang pari. Kung hindi inawat ni Maria ang kaguluhan, marahil ay tuluyan nang napatay ni Ibarra si Padre Damaso.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 34 – Ang Pananghalian
Kabanata 36 – Ang Unang Suliranin