Isang Butil Ng Palay Bugtong – Sagot At Kahulugan

Sagot Sa Bugtong Na “Isang Butil Ng Palay, Sakop Ang Buong Bahay”

ISANG BUTIL NG PALAY – Ang mga bugtong ay isang matandang laro na sumusubok sa ating mga utak.

Kadalasan, ito ay may doble o nakatagong kahulugan at nalulutas bilang isang palaisipan. Bukod rito, nagsisimula rin ang mga bugtong sa isang metapora ng isang, bagay, pangyayari, lugar, tao o hayop.

Isang Butil Ng Palay Bugtong - Sagot At Kahulugan

Sa paksang ito, ating tatalakayin ang bugtong na:

Isang Butil Ng Palay, Sakop Ang Buong Bahay

Ang sagot sa bugtong na ito ay “Ilaw“. Katulad lamang ng palay, ang bumbilya ang kadalasan kulay puti rin. Kapag ito ay naka andar, sakop nito ang buong bahay.

Samantala, ang ilaw ng tahanan naman ay ang ating mga ina dahil lagi sila nating mapupuntahan kapag tayo’y nasa isang madilim na lugar sa ating buhay.

Sila’y nariyan para maging gabay at magbigay ng payo at mag alaga. Tinitiis din nila ang pagod at sakit mapagsilbihan lamang ang kanyang buong pamilya. 

Ang Amerikanong imbentor naman na si Thomas Edison ang siyang nakadiskubre ng tinatawag na incandescent bulbs o bumbilyang dilaw.

Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.

Like this article? READ ALSO: BRAINTEASERS: Arnold Schwarzenegger Has A Long One (Answer)

Leave a Comment