Kabanata 31 Noli Me Tangere – “Ang Sermon” (BUOD)

Kabanata 31 Noli Me Tangere – “Ang Sermon” (BUOD)

KABANATA 31 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 31 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 31 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung isang kabanata.

Ang Kabanata 31 ay may titulo na “Ang Sermon” na sa bersyong Ingles ay “The Sermon”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Inayusan ang isang malaking kamalig para magsibing simbahan para sa misa ng kapistahan. Nagsidatingan ng maaga ang mga panauhin at opisyal ng bayan upang masilayan ang buong misa at makinig sa banal na salita.

Hindi rin nagpahuli ang mga ordinaryong tao upang makinig sa sermon na ibibigay ng predikador.

Ang mga prominenteng tao ay may nakalaan na lugar habang nakasalampak sa sahig naman ang mga mahihirap. Buong tiyaga nilang hinintay ang na pagdating ng panauhing pandangal ng misa na si Padre Damaso.

Sa paglakad niya papunta sa altar ay isa-isa niyang binati ang mga taong malalapit sa kanya. Binati rin niya si Ibarra, kinindatan niya ito at sinabihan na hindi daw niya ito nakakaligtaan sa lahat ng kanyang panalangin.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 30 – Sa Simbahan
Kabanata 32 – Ang Panghugos

Leave a Comment