Kabanata 28 Noli Me Tangere – “Mga Sulat” (BUOD)

Kabanata 28 Noli Me Tangere – “Mga Sulat” (BUOD)

KABANATA 28 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 28 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 28 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung walong kabanata.

Ang Kabanata 28 ay may titulo na “Mga Sulat” na sa bersyong Ingles ay “Correspondence”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Tulad ng inaasahan, nailathhala sa mga pahayagan ang magarbong pagdiriwang ng pista sa San Diego. Kasama din sa balita ang paghahanda sa pista, mga makakapangyarihang tao, mga pagtatanghal, at ang pangangasiwa ng mga pareng Pransiskano sa pista.

Nabalita rin ang prusisyon ng mga santo’t santa sa bayan at nagkaroon din ng pagtatanghal gaya ng komedya na labis na ikinaaliw ng mga pari dahil sa wikang Kastila ito ginawa. Mayroon ding pagatanghal para sa mga Pilipino.

Dala rin sa pahayag ang pagtatanghal ng mga musiko. Noong bisperas ng pista, mayroong dalawang bandang nagtanghal na simbolo ng karangyaan noon. Mayrron ding sayawan na kung saan nakita ng madla ang pagsayaw ni Kapitan Tiago. Namangha rin sila sa kagandahan ni Maria.

Ngunit ubod ng lungkot ang dalaga dahil ilang araw na niyang hindi nasisilayan si Ibarra dahi may sakit ito kaya minarapat ng kasintahan niyang sulatan ang binata.

Ayon sa sulat niya, patuloy niyang ipinagdasal para sa katipan. Ipinagtirik niya si Ibarra ng kandila sa simbahan para sa paggaling nito. Ikinuwento ng dalaga ang pagtugtog at pagsayaw niya sa sayawan na siya namang ikinayamot niya. Sinabi rin ni Maria na imbitahan siya ni Ibarra sa oras na bubuksan na ang kaniyang ipinagawang paaralan.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 27 – Sa Pagtatakipsilim
Kabanata 29 – Ang Umaga

Leave a Comment