Kabanata 18 Noli Me Tangere – “Mga Kaluluwang Naghihirap” (BUOD)
KABANATA 18 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 18 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalabingwalong kabanata.
Ang Kabanata 18 ay may titulo na “Mga Kaluluwang Naghihirap” na sa bersyong Ingles ay “Souls in Torment”. Dito mababasa ang pagbubulag sa mga tao sa mga maling paniniwala ukol sa kaligtasan ng mag kaluluwa mula sa tinatawag na Purgatoryo.
Narito ang buod ng kabanatang ito:
Tinapos ni Padre Salvi nang matamlay ang tatlong misa na kanyang inalay. Hindi niya pinansin ang mga hermana at hermano mayor na naghihintay sa kanya upang kausapin dahil sa karamdaman niya. Dali-dali siyang nagtanggal ng kanyang sutana at tumuloy sa kanyang silid.
Hindi na kumibo ang mga deboto sa inasal ng pari. Kadalasan sa mga ito’y mga matatanda na siyang naatasang mangasiwa para sa kapistahan na nalalapit na. Napag-usapan ng mga kuro-kuro sa gitna ng palitan nila ang ukol sa usaping indulhensiya.
Ayon sa kanilang paniniwala, maliligtas ang kaluluwa ng taong maraming indulhensiya papuntang Purgatoryo. Nagmayabang ang bawat isa ukol sa dami ng kanilang naipon para sa kaligtasan.
Sa gitna ng kanilang usapin ay dumating si Sisa. Sumadya siya sa simbahan upang tanungin si Padre Salvi ukol sa anak niyang si Crispin na nagsisilbing sakristan.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 17 – Si Basilio
Kabanata 19 – Karanasan ng Guro