Kabanata 16 Noli Me Tangere – “Si Sisa” (BUONG BUOD)

Kabanata 16 Noli Me Tangere – “Si Sisa” (BUONG BUOD)

KABANATA 16 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 16 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 16 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalabing-anim na kabanata.

Ang Kabanata 16 ay may titulo na “Si Sisa” na sa bersyong Ingles ay “Sisa”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Si Sisa ang ina ng magkapatid na mga sakristan na sina Crispin at Basilio. Naninirahan sila sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan at mahirap ang kanilang pamumuhay.

Nakapangasawa siya ng isang tamad, sugarol, at hindi responsableng lalaki. Nakatanggap rin siya ng pagmamalupit sa asawa. Isa siyang martir sapagkat hindi niya alintana ang pang-aabuso at patuloy na sinasamba ang asawa.

Isang gabi ay naghanda siya ng isang espesyal na hapunan gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo. Bihira itong mangyari dahil sa buhay nila.

Naghain siya ng tuyong tawilis at kamatis na paborito ni Crispin. Para kay Basilio naman, isang tapang baboy-ramo at hita ng patong bundok.

Ngunit, dahil sa isang pangyayari sa simbahan, ang magkapatid ay hindi makauwi para saluhan si Sisa. Hindi rin matitikman ng magkapatid ang espesyal na hapunan dahil dumating ang asawa at inubos ng walang puso.

Dahil dito, naiyak ng sama ng loob si Sisa. Inisip niya ang masasarap na pagkaing para sa kanyang anak.

Masakit man, nagluto ng kanin at nag nag-ihaw ng tuyo siya para sa mga anak na inaasahang darating. Pero lumipas ang oras at wala pa rin sila. Inaaliw niya ang sarili upang hindi mainip. Maya-maya pa ay dumating si Basilio at isinisigaw ang pangalan ng ina.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 15 – Mga Sakristan
Kabanata 17 – Si Basilio

Leave a Comment