Kabanata 15 Noli Me Tangere – “Mga Sakristan” (BUOD)

Kabanata 15 Noli Me Tangere – “Mga Sakristan” (BUOD)

KABANATA 15 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 15 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 15 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalabinlimang kabanata.

Ang Kabanata 15 ay may titulo na “Mga Sakristan” na sa bersyong Ingles ay “The Sacristans”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Ang kinausap ni Pilosopo Tasyo ay sina Crispin at Basilio. Pinapatunog pa rin ng dalawa ang kampana sa kampanatyo kahit may banta ng bagyo pero hindi nila ito napatunog ng tama.

Nais nilang makauwi lalo na sa ibinalita ni Tasyo ukol sa hapunang inihanda ng ina nilang si Sisa ngunitpatuloy silang magtrabaho sa simbahan.

Napagbintangang nagnakaw si Crispin. Galit siya sa paratang at ipinagdarasal na sana magkasakit ang mga prayle. Hanggang dalawang onsa ang pinababayaran sa kanila gayong dalawang piso ang sahod nila kada buwan.

Hindi nila mababayaran ang binibintang na ninakaw nila. Nakapagbitiw si Crispin na sana nagnakaw siya ng tunay para makapagbayad sa ibinintang sa kanya.

Dumating ang sakristang mayor at sinita sila sa palpak na pagpapatunog sa kampana. Sinabihan rin sila na hanggang ikasampu pa sila ng gabi sa simbahan.

Makikiusap sana si Basilio sa sakristang mayor pro hinila nito ang uniiyak niyang kapatid pababa sa simbahan hanggang lamunin ng dilim.

Gumawa ng paraan si Basilio para makababasa kampanaryo. Nang tumila ang ulan, kumuha ng lubid at nagpadausdos hanggang makarating sa simbahan. Nahanap niya ang silid na andoon si Crispin pero sinarado ang pinto.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 14 – Si Pilosopo Tasyo
Kabanata 16 – Si Sisa

Leave a Comment