Kabanata 10 Noli Me Tangere – “Ang Bayan Ng San Diego” (BUOD)
KABANATA 10 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 10 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikasampung kabanata.
Ang Kabanata 10 ay may titulo na “Ang Bayan Ng San Diego” na sa bersyong Ingles ay “The Town” o sa salin na “The Town of San Diego”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Ang bayan na ito at napaligiran ng bukirin na malapit sa lawa at ilog. Dahil dito, maraming tao ang manghang-mangha sa magandang bayan na ito.
Mayroon ding itong gubat na kung saan nagsimula ang kasaysayan. Noong unang panahon, may isang matandang Kastila na nagkaroon ngn interes sa lupa malapit dito.
Kahit walang totoong nagmamay-ari ng lupa diyan, nagbigay ang matanda ng kakaunting salapi at mga materyal na bagay gaya ng damit at alahas sa mga naninirahan sa lupain.
Isang araw, natagpuang nagpatiwakal ang matanda sa gubat. Maraming usapin ang lumitaw kung bakit nagawa ng matanda na iyon pero walang nakakaalam sa tunay na dahilan.
Makalipas ng ilang buwan ay dumating ang anak ng nasawing atanda na si Don Saturnino na naninirahan sa Bayan ng San Diego at nagkaroon ng pamilya. Ang anak niya as si Don Rafael ay siya namang ama ni Crisostomo Ibarra.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 9 – Mga Bagay-Bagay Ukol Sa Bayan
Kabanata 11 – Ang Mga Makapangyarihan