Ano Ang Buod Ng Mahiwagang Tandang?
ANG MAHIWAGANG TANDANG – Ang kuwentong ito ay isang alamat na nagbibigay kahulugan sa tanong na “Bakit tumitilaok ang lalaking manok tuwing madaling araw?”.
Maaga pa, nag-uumpisa na ang pagsangguni sa Bathala ng mga Sultan. Sa bigat ng responsibilidad ni Sipada, at sa pagnanais niyang mapigilan ng maaga ang gulo sa pagitang ng mga sultan, nangailangan siya ng isang sundalo na magiging taga-gising niya tuwing madaling araw.
Dito ay nagprisinta ang pangalawang tauhan sa kwento na si Sundalong Orasan.
Si Orasan ay naging matapad na sundalo sa mga unang araw niya sa kanyang trabaho. Pero, hindi nag tagal at napabayaan na lamang ni orasang ang kanyang tunkulin.
Nagpuyat ito dahil kasama ng kanyang mga kilala at nag saya buong gabi. Dahil dito, unti unting bumalik ang kaguluhan. Siya naman ay muling pinagbigyan ni Sidapa.
Pero, paulit-ulit nitong ginawa ang pagwawalang-bahala sa kanyang tungkulin. Ngunit, isang araw, may malaking digmaan na nangyari. Marami ang namatay.
Naubos na ang pasensya ni Sidapa kay Orasan. Ito ay kanyang pinatawag at dahil sa pag-giba nito sa kanyang tungkulin, ay pinarusahan siya ni Bathala.
Si Orasan ay nag ibang anyo, hugis, at kulay. Ang kanyang balat ay naging mabalahibo hanggang sa magiging tandang.
Mula noon, wala nang pagkakataon na hindi maririnig ang tilaok ng tandang tuwing madaling araw.
Like this article? READ ALSO: Halimbawa Ng Agenda: Ano Ang Agenda At Ang Mga Halimbawa Nito