Halimbawa Ng Sintesis: Mga Halimbawa Ng Sintesis

Mga Iba’t Ibang Halimbawa Ng Sintesis

HALIMBAWA NG SINTESIS – Ang sintesis ay isang pagbubuod kung saan ang manunulat ay kumukuha ng maliit pero importanteng parte sa kabuan ng isang sulatin o salaysay.

Halimbawa Ng Sintesis: Mga Halimbawa Ng Sintesis

Ang layunin nito ay maka kuha ng importante ngunit maikling sulatin na kumakatawan sa kabuan ng kanyang ibinuod.

Halimbawa:

Ang depresyon ay isang uri ng seryosong sakit na nakaaapekto kung paano mag-isip at kumilos ang isang tao. Ito ay maaaring magbunga hindi lamang ng pisikal na mga problema kung hindi pati na rin sa emosyonal at sosyal na aspeto.

Ayon sa World Health Organization, 300 milyong tao sa buong mundo ang nagdaranas ng depresyon. Ang mga edad na nasa pagitan ng 18 hanggang 25 taong gulang ang itinuturing na may pinakamalaking potensyal na magkaroon nito. Dahil dito, mataas na porsyento ng mga tao ang nagpapakamatay at ito ay ika-sampu sa pinakamataas na sanhi ng pagkamatay ng tao.

Ang depresyon ay mayroong iba’t ibang uri. Isa na rito ang tinatawag na “seasonal depression”. Ang depresyon na ito ay mayroong “seasonal pattern”. Sa madaling salita, nararanasan ito ng isang tao kasabay ng pagbabago ng panahon.

Ang isa pang uri ng depresyon ay tinatawag na “postpartum depression”. Ito ay karaniwan sa mga kababaihan na nagdaan sa kalungkutan, o sobrang kapaguran sa kanilang panganganak na nagbubunga ng hindi maayos na pag-aalaga sa kanilang mga sanggol o sa kanilang sarili. Isa sa pitong kababaihan ang nagdaranas nito.

Ang paggamot sa depresyon ay isang suliranin na dapat pagtuunan ng pansin. Ito ay lubos na nakaaapekto sa buhay ng tao at nangangailangan ng labis na atensyon sapagkat buhay na ang nakasalalay dito.

Ang Epekto ng maagang pagbubuntis sa kabataan ay talaga namang nakakasama sapagkat nakakaapekto ito sa pisikal, emosyonal at mentalidad ng menor de edad. | Cristine Joy Cabuga

Ayon sa National Health and Demographics Survey noong 2013 at Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS) study, isa sa sampung babae may edad 15-19 sa ating bayan ay ina o buntis na. Mga 14 percent ng mga Filipinang babae may edad 15 hanggang 19 ay buntis o di kaya mga ina na rin.

Ayon kay Larrize (2017) Ang maagang pag bubuntis ay ang pagdadalang tao ng isang babae kung saan ay wala pa siya sa hustong gulang ng pagbubuntis. Ang iba sa kanila ay biktima lamang ng pang gagahasa ng walang awang mga tao. Sa makatuwid, wala silang balak na magkaroon ng anak sa murang edad pa lamang.

Ang magandang maidudulot ng maagang pagbubuntis ay masusubaybayan mo ang paglaki ng bata hanggang siya ay magpakasal na.

At bukod pa dito dahil sa bata pa ay maaaring magkaroon ng malaking tyansa na mapagtapos sa pag-aaral sapagkat may kakayahan pang makapagtrabaho di tulad nga mga may edad na ng mabiyayaan ng anak.

Ngunit ang lahat ng ito ay sinasalungatan ng websayt na teenage pregnancy, ayon dito Ang mga batang magulang o maagang nabubuntis ay hindi pa lubos ang kaalaman at hinda pa lubos na handa sa mga responsibilidad na haharapin nila.

At ayon pa dito, madaming mga kabataang mahihirap na may anak dahil hindi sila nakapag-aral, hindi sila makakapag trabaho dahil hindi wasto amg kanilang pinag aralan.

READ ALSO: Halimbawa Ng Balangkas: Mga Halimbawa Ng Balangkas

Leave a Comment