Halimbawa Ng Balangkas: Mga Halimbawa Ng Balangkas

Mga Halimbawa Ng Balangkas

HALIMBAWA NG BALANGKAS – Ang Balangkas ay ang pagkasunud-sunod ng kwento. Ito rin ay ang maayos na paghahanda ng ulat sa pamamagitan ng pagsulat ng mga mahahalagang punto hingil sa paksa.

Halimbawa Ng Balangkas: Mga Halimbawa Ng Balangkas

Mayroong dalawang uri ng Balangkas

  1. Papangusap – binubuo ng mahahalagang pangungusap na sadyang mga bahagi na ng sulatin.
  2. Papaksa – isinusulat sa salita o parirala ang mga punong kaisipan.

Ito rin ay naka batay sa tatlong kategorya ng Pagbalangkas:

  1. Dibisyon – Gumagamit ng bilang ng Romano (I,II,II,IV,V)
  2. Seksyon – Gumagamit ng mga Titik ng (A,B,C,D,E)
  3. Sub-dibisyon -Pinanandaan ng bilang arabiko (1,2,3,4,5)

Mga Halimbawa:

I.Panimula: Tungkulin ng mga Bata sa Kanilang Magulang.

II. Paraan ng Pagpapamalas ng Pagmamahal sa Magulang .

A. Paggawa ng mga bagay na ikalulugod ng mga Magulang.

  1. Pagpaparinig ng mga Awiting Magugustuhan Nila.  

a. Mga Kundiman.

  1. Pagbili ng mga bagay na kanilang kinagigiliwan .

b. Mga Aklat

B. Pagtulong sa Kanilang mga Gawain .

  1. Pagkusa sa mga Gawaing-Bahay .

III. Paraan ng Pagpapamalas ng Paggalang sa mga Magulang .

A. Paggamit ng Po at Opo

B. Pagsunod sa Kanilang Payo.

  1. Hinggil sa Maingat na Pagpili ng mga Kaibigan at Kasama .
  2. Hinggil sa Pagsisikap sa Pag-aaral .

C. Pagdangal sa mga Magulang .

IV. Konklusyon: Pagmamahal at Paggalng sa mga Magulang.

Like this article? READ ALSO: BALANGKAS – Kahulugan At Ang Mga Elemento Nito

2 thoughts on “Halimbawa Ng Balangkas: Mga Halimbawa Ng Balangkas”

Leave a Comment