Mga Halimbawa Ng Palaisipan (Bugtong)
PALAISIPAN HALIMBAWA – Ang mga palaisipan ay kilala rin bilang mga bugtong, pahulaan, o patuturan.
Ito ay isang tanong o pangungusap na may natatanging sagot na iba sa karaniwan. Heto na ang mga halimbawa nito:
Tanong: Ano ang nakikita mo sa gitna ng Dagat?
Sagot: G
Tanong: Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga?
Sagot: Kasi nakasara,bakit bubuksan mo pa ba kung bukas na.
Tanong: Anong isda ang lumalaki pa?
Sagot: Yung bata pa.
Tanong: Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna?
Sagot: Donut na may butas sa gitna
Tanong: hindi hayop, hindi rin tao ngunit tinatawag niya ako
Sagot: Telepono/Cellphone
Tanong: Dalawang kuwebang naglalabas ng tubig pagkaraan nama’y agad binabalik
Sagot: Ilong (sipon sa ilong ang tinutukoy na tubig)
Tanong: Dala-dala ko siya, ngunit ako rin ay dala niya
Sagot: Tsinelas/Sapatos
Tanong: Anong meron sa jeep, tricycle, at bus, pero wala sa eroplano?
Sagot: Side Mirror
Tanong: Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: Baril
Tanong: Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo
Tanong: May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: Sandok
Tanong: Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: Zipper
Tanong: Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
Like this article? READ ALSO: Tugmang De Gulong – Ano Ang Tugmang De Gulong?
Tanong: umupo si itim sinulot ni pula lumabas si puti natawa-tawa
Sagot:sinaing