Mga Orihinal Na Tula Para Sa Assignment At Proyekto (2020)
MGA TULA – Kailangan nyu ba ng mga tula para sa assignment nyo at proyekto? Heto na ang hinahanap niyo!
Ang Tula o “poem” sa ingles ay isang uri sining o panitikan na kilala dahil sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo.
Mayroong ibat-ibang uri ng tula tulad lamang ng “tanaga” o maikling tula. Sila ay katulad ng haiku ng Japan pero sumusunod sa “7-7-7-7” na “syllabic verse”.
Mga halimbawa:
Ang aking minamahal
Sa puso ko’y ikaw lang
Ang tanging sinisigaw
Ikaw ay aking dasal.
Mabilis ang pagtakbo
Nang batang nasa kanto
Mukha siyang desperado
Na pumunta sa banyo
Dapat nating labanan
Ang korapsyon sa bayan
Upang tayo’y mag ahon
Sa ating kahirapan
Ngunit sa modernong panunulat, ang tagasulat ay pwedeng gumawa ng tula sa kahit anong paraan na gusto nila. Ang estilong ito ay tinatawag na “free style writing“.
Halimbawa:
Ang Aking Buwan
Ikaw ang liwanag sa gabi, O aking Sinta
Kahit mga bituin, sila’y tumitingala
Sapagkat ang ganda mo’y nakakasilaw
Kapag titingin sa langit, ika’y pinaka malinaw
Parang alon sa dagat na tulak at hila ng buwan,
Ang pagsasayaw mo na hindi ko kayang iwasan.
Sana naman mabigyan ng pagkakataon,
Upang makapunta sa ‘yong langit, kung saan ka nandoon.
Ano Ang Kapalit?
Sa daming nakukuha,
lumalangoy sa kayamanan
Ano ba ang kapalit?
Dapat ba itong pag-usapan?
Importante nga ba kung saan ito nanggaling?
Diba nga munting bata, ito’y laging hinihiling?
Saan ba kumukupit? Shhhh.. mag kang maingay
Ang daming tanong! Ayaw mo ba ng ganitong buhay?
Tanong ko sa’yo bata,
Ano ba ang kapalit?
Tanungin mo ang iyong sarili
Ikaw ba’y nagagalit?
Ikaw ba ay masaya
sa kayamanan mong nakuha?
Hindi noh? Ano ba’ng hindi na kita?
Tanungin ko ulit,
Ano ba ang kapalit?
Sa buhay na ito, saan ka ba kumakapit?
Like this article? READ ALSO: Halimbawa Ng Tanka: 5+ Halimbawa Ng Mga Tanka