Hospital Staff Injects Pain Reliever To Lady Patient w/ Allergy, Victim Now in Critical Condition

Hospital Staff Injects Pain Reliever To Lady Patient w/ Allergy

Hospital staff urged lady patient to receive pain reliever despite her allergy to the drug, unfortunate the victim now in critical condition.

A Facebook user named Lindsay H. Maglalang has expressed her disappointment towards the doctor and nurses of Antipolo Doctors Hospital for giving her a pain reliever despite her allergy. The post garnered various reactions from the online community.

Maglalang narrated she was accidentally by a tricycle at shopwise, Red Ribbon in Antipolo. The driver takes full responsibility and immediately bring her to Antipolo Doctors for medication and treatment. The responsible driver also shouldered the medical expenses.

Hospital Staff

Lindsay told the doctor that she just a check-up and x-ray to determine whether she got a fracture from the accident. The x-ray result goes well showing that she obtains no fracture and just needs to rest.

One of the hospital nurses holding a pain reliever vaccine tried to inject her but she refused to receive the vaccine due to her allergy. After a few moments, the hospital personnel told the patient that they need to administer the vaccine to reduce the pain and swelling of her feet.

Hospital Staff
Hospital Staff

The lady refused to receive the vaccine but the medical staff insists to administer the pain reliever without performing skin tests.

Here is the full story:

Pls take time to read po… pashare din po.

Ito po yung totoo ng pangyayari noong araw ng Sabado, Feb 8, 2020, 2:00 pm.

Kung hindi niyo po kami papansinin kahit pumunta na po yung magulang ko sa inyo nung sabado mismo at wala man lang kayong sinabi sa kanya. At itinatago niyo po yung Doctor at nurse nung araw na iyon. Kung hindi po kayo madadaan sa wastong usapan idadaanan po namin kayo sa ganto.

Pababa na po ako ng tricycle sa shopwise, Red Ribbon sa Antipolo. Eksakto pong pagbaba ko ay May bumundol po sa likod ng tricycle na sinakyan ko na isa ding tricycle, nasa unahan po ako nun kaya po nagulungan ang kaliwang paa na naging dahilan para mamaga po ito pero Wala po akong galos, yung pamamasa lang po ng paa ko ang naging problema. Agad po akong dinala nung nakabundol na tric driver sa Antipolo Doctors.

Sa Antipolo Doctors po, innacommodate po kami agad. Tinanong po agad ako ng Doctor kung ipapamedico legal ko po. Pero sinabi po namin na ipapacheck up lang at xray if ever na may pilay ako. Nakaupo lang po ako sa Wheel chair nun, makirot po ang paa ko nun. Maya-maya po ay May lumapit sa akin na nurse na may dalang injection. Tinanong ko siya agad kung ano iyon, sinabi niya po na mag iinject siya ng pain reliever tas sinabi ko po agad na May allergy ako, di pa nga niya ko pinansin kaagad sinabi ko ulit na may allergy po ako sa pain reliever. Napatigil na siya nun, tinanong niya kung anong mga gamot at sinabi ko po.g sinabi niya na magskin test muna.

Nagskin test na. hindi na napansin ang result ng skin test dahil Antagal naming naghintay para maxray na. Ang pakay lang namin ay magpacheck up at X-ray lang talaga. Si kuyang driver na kasama ko ay binigyan nila agad ng papel na babayaran. Wala pang ginagawa pero umabot na ng 3000+ ang pinapabayaraan kay kuyang driver. Sinabi ng driver na 1k lang ang pera niya kaya hindi po agad ako dinala sa xray room. Kailangan ma bayaran daw muna ang bill para masimulan. Sinabi ni kuyang driver na hintayin daw muna ang asawa niya para makakuha ng pera kahit ako po walang sapat na pera nung araw na mismo na iyon. Kinausap namin na baka pwedeng simulan na pero hindi pa rin sinumulan kaya Antagal pa naming naghintay. Dumating po ang kapatid ko. Narinig po nila na sinabi ng kapatid ko na simulan na at babayaran na lang niya at nagwithdraw po siya agad. Paglabas niya po para magwithdraw sinabi po ng nurse na sige ipasok na yan sa xray pero Parang segurista pa kasi nagtatanungan pa sila sa loob ng xray room kung itutuloy na.

Nang matapos na po ang xray ibinalik po ako sa mga nurse at Doctor ng araw na iyon. Alam na po nila ng sinabi ko na bawal ako sa pain reliever at di po ako agad umiinom ng kahit Anong gamot pero sinabi po nila na need yun sa pamamaga at pagkirot ng paa ko. Nagkamali pa nga ng tusok kay inulit pa sa ka ilang kamay.

Lumabas na po yung resulta ng xray sinabi po ng Doctor na “Mam Lindsay, Wala naman pong pilay. Nabugbog lang po sa pagkakaipit sa gulong, ipapabenda na lang po natin tas pwede na po kayo lumabas.” (Bawat pinagawa At nilalagay po nila ay lahat po May bayad) bago ilagay bayaran ng daw po muna agad.

Pagkatapos mabendahan inalalayan na po ako para makalabas ng hospital Pero pinatigil kami At sinabi ng isang nurse na may iinject pa daw. Sinabi ko na ayaw ko na, pero kailangan daw iyon kasama kasi iyon sa binayaran at yun pong mga ininject sa akin ang naging dahilan para lumaki ang bill namin ng araw na iyon. Lumapit ang nurse sinabi niya na mabilis lang daw itinurok yun sa magkabila kong balikat, walang skin test na ginawa. Basta mabilisan lang itinusok. Pagkatapos nun, sinabi na pwede na daw kami umuwi. Hindi man lang po kami pinagtagal sa hospital.

Hinatid kami nung driver sa sakayan pateresa, tricycle na rin po ang sinakyan namin pateresa maya maya ay bigla na lamang kumati ang mata ko. Unti untimg nagkakaroon ng pantal. Nang nasa palengke na ng teresa ay namamaga na ang mata ko ng sobrang maga, pagkarating ng bagong bayan teresa, Hindi na ko mapakali sapagkat parang may nakaharang sa lalamunan ko at pagkatapos ay tuluyan na kong hindi makahinga bago pa dumating sa bahay namin pinatigi ko na ang tric driver at sinabi ko na sa Hospital ng St. Therese kami ibaba. Bago makapasok ng hospital ay tila tutumba na ko. Dinala nila ako agad sa ER at nilagyan ng oxygen at mga paunang lunas.
Agad na sinabi ng Doctor sa St. Therese na allergy po ang nangyari At reaction ito sa gamot na ininject sa akin.

Sinabi ng Doctor na kailangan ako iconfine dahil hindi pwedeng iuwi ang pasyente na galing sa ganoong kalalang allergy.

Agad akong pinuntahan ng mama ko sa Hospital. At di rin nagdalawang isip ang Mama ko na pumunta sa Antipolo Doctors para alamin kung sino ang mga nurse at doctor ang nag inject sa akin.

Sinabi ng mama ko ang nangyari sa akin, bilang magulang dirediretso siyang nagsalita patungkol sa nangyari sa akin. Parang walang kausap si mommy dahil walang sumasagot sa kanya ni isa. Sinabi pa daw ng Doctor na kaya ako tinurukan ay may mga gasgas ako pero ang totoo wala ako ni isang sugat na natamo kundi ang bugbog na paa na buhat lamang sa pagkakadagan ng gulong. Ayaw din bilang sabihin ang mga pangalan ng nurse at Doctor na naginject sa akin.

Hanggang kagabi po ay nilalagyan pa din ako ng oxygen dahil May mga pagkakataon na di pa rin ako makahinga ng maayos. Hanggang ngayon ay nakaconfine pa rin po ako dito sa St. Therese Hospital sa Teresa at pinagdudusaan ang sakit na di ko naman dapat natamo. Pati po ang trabaho ko ngayon ay apektado, isa po akong guro At sa mga oras na to dapat nagtuturo lang ako, sobrang laki na rin bills sa hospital na ito. Ang simpleng pagpapacheck up lang sana ng paa ko ang gagawin pero ngayon ay nalagay sa peligro ang buhay ko dahil sinabi ng Doctor na kung hindi ako nadala agad ay maaaring Wala na ko ngayon.

Humihingi po ako ng tulong sa kinauukulan na bigyan po sana ng aksyon ang nangyari para Wala na pong pasyente ang malagay sa peligro katulad ko.

Jun-Andeng Ynares #AntipoloCityGov #RaffyTulfoInAction

Plsss Spread!!! Thank you po🙏 May caption din po bawat photo.

The social media users expressed their reactions to the post:

What can you say about this? Just feel free to leave your comments and reactions to this article.

Leave a Comment