Kabanata 5 Noli Me Tangere – “Pangarap Sa Gabing Madilim” (BUOD)
KABANATA 5 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 5 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ika-apat na kabanata.
Ang Kabanata 5 ay may titulo na “Pangarap Sa Gabing Madilim” na sa bersyong Ingles ay “A Star In A Datk Night”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Bumaba sa kalesa si Ibarra at tumungo sa Fonda de Lala na tinutuluyan niya tuwing pupunta sa Maynila. Balisang dumiretso si Ibarra sa nirentahang silid at inisip ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang ama.
Tumanaw siya sa bintana at nakita ang isang maliwanag na tahanan na nasa kabilang bahagi ng ilog. Mula sa kinaroroonan ay rinig niya ang mga kubyertos at ang tugtugin ng orkestra. Nagmasid-masid siya at pinanood ang mga nagtatanghal.
Nakita niya ang ilang binibini na may mamahaling suot at mga diamante’t ginto. May mga anghel na nag-aalay ng bulaklak at mga pastol na nakikiisa sa programa. Kita rin niya sa umpukan ng mga tao amg mga Pilipino, Kastila, Intsik, at mga prayle.
Pero ang mas pumukaw ng kanyang atensyonay ang binibining si Maria Clara. Nabighani siya sa angking ganda nito at hindi maiwaglit ang tingin sa dalaga. Nang makita naman ni Ibarra ang mga batang Pransiskano na payat at putlain ay nahabag naman ito.
Abala naman noon si Padre Sibyla na makipag-usap sa mga dalaga samantalang si Donya Victoria naman ay abala sa pag-aayos ng buhok ng napakarikit na si Maria Clara.
Dahil pagod sa maghapon, madaling nakatulog si Ibarra at nagising kinabukasan na habang Padre Salvi naman ay di mawaglit si Maria sa kaniyang isipan.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 4 – Erehe At Pilibustero
Kabanata 6 – Si Kapitan Tiago