Kabanata 1 Noli Me Tangere – “Ang Pagtitipon” (BUOD)

Kabanata 1 Noli Me Tangere – “Ang Pagtitipon” (BUOD)

KABANATA 1 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 1 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 1 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang unang kabanata.

Ang Kabanata 1 ay may titulo na “Ang Pagtitipon” na sa bersyong Ingles ay “A Social Gathering”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Naghanda ng isang magarbong salusalo si Don Santiago de los Santos na mas kilala bilang Kapitan Tiago. Mabuting tao siya at kilala sa buong Maynila kaya agad na kumala ang balita ukol sa pagtitipon niyang gagawin sa Kalye Anluwagi.

Sa gabing iyon, dumagsa ang mga bisita na iniistima ni Tiya Isabel, ang pinsan ni Tiago. Kabilang dito ay sina Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, mag-asawang Dr. de Espadaña at Donya Victorina, Padre Damaso, at isang dayuhang kararating lamang sa Pilipinas.

Matanong ang dayuhan ukol sa mga Pilipino, pati na ang mga Indio. Nang mabanggit ang monopolyo sa tabako, nagsalita ng marahas si Padre Damaso tungkol sa mga Indio. Hinamak niya ang mga ito at iniba naman ni Padre Sabyla ang usapan.

Napag-usapan ang pagkaalis ni Padre Damaso, na dating kura-paroko ng San Diego. Aniya, hindi raw nangingialam ang hari ng Espanya sa pagbibigay ng parusa sa mga erehe. Sabi naman ni Tenyente na nararapat lamang parusahin.

Inilahad ni Tenyente ang totong dahilan ng pagkakalipat ng prayle sa ibang parokya dahil ipinahukay ang bangkay ng isang marangal na napagbintangang isang erehe dahil ayaw lamang mangumpisal.

Nagalit naman ang prayle sa sinabi ng Tenyante. Lumapit si Padre Sybila upang pakalmahin ang kapuwa prayle. Naaalala rin kasi ni Damaso ang nawawalang mahahalagang dokumento.

Kumalma ang dalawang magkabilang panig at umalis na sa umpukan si Tenyente. Nagpatuly naman ang talakayan at kwentuhan ng mga bisita sa gabing iyon.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 2 – Si Crisostomo Ibarra

Leave a Comment