Ano Nga Ba Ang Saknong? (Sagot)
SAKNONG – Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung ano nga ba ang saknong at ang mga halimbawa nito.
Ang saknong ay bahagi ng mas malaking tula. Ito rin ay tinatawag na stanza sa Ingles. Ang isa pang bahagi ng tula ay tinatawag na taludtod o taludturan.
Ayong sa Wikipedia, ang saknong ay kadalasang tumutukoy sa isang “berso” (verse) ng isang tula. Binubuo ito ng koleksyon ng dalawa o higit pang mga guhit ng salita o linya ng mga salita.
Ang mga salitang ito ay tinatawag na taludtod o taludturan na may mga patlang. Ito rin ay karaniwang nagtataglay ng isang nakatakdang padron ng metro at tugmaan.
Batay sa artikulo, ito rin ay kahawig ng talata na makikita sa prosa o tuluyan. Dito, nagkakaugnay ang mga kaisipan at pinagpangkat-pangkat upang maging isa.
Ito ang halimbawa ng Tula na may limang saknong:
Sa Aking Mga Kabata
Kapagka ang baya’y sadyáng umiibig
Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharián,
At ang isáng tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaán.
Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ
Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,
Kayâ ang marapat pagyamaning kusà
Na tulad sa ináng tunay na nagpalà.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Inglés, Kastilà at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingín
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati’y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawalá’y dinatnan ng sigwâ
Ang lunday sa lawà noóng dakong una.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
Like this article? READ ALSO: Maikling Tula: Mga Halimbawa Ng Maikling Tula (Short Poems)
Ano ang saknong?
Ang saknong ay bahagi Ng mas malaking tula