Kabanata 25 El Filibusterismo – “Tawanan At Iyakan” (BUOD)

Kabanata 25 El Filibusterismo – “Tawanan At Iyakan” (BUOD)

KABANATA 25 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 25 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.

KABANATA 25 EL FILIBUSTERISMO

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.

Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung-limang kabanata.

Ang Kabanata 25 ay may titulo na “Tawanan At Iyakan” na sa saling Ingles ay “Smiles and Tears”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Ang simpleng piging ng mga mag-aaral ang magiging mitsa para usigin sila ng pamahalaan.

Hindi pa lumalabas ang pasya ni Don Custodia tungkol sa usapin ng pagtuturo ng wikang Kastila ay batid na ang kahihinatnan nito ng grupo nina Sandoval.

Ayaw ng mga prayle at ng pamahalaan na matuto ang mga Indio ng wikang Kastila. Wala raw karapatan ang mga ito na gamitin ang kanilang wika. Dahil dito ay sigurado na ang magiging kapasyahan ni Don Custodio. Papanig siya sa kagustuhan ng mga kinauukulan.

Kagaya ng kanilang nakipagsunduan ang labing-apat na nagtipon sa isang pansiterya para ipagdiwang ang kahihinatnan ng pasya. Si Basilio at Juanito lang ang hindi nakarating sa pagtitipon.

Masayang nagbibiruan ang mga mag-aaral at maingay na tinutuligsa ang mga prayle. Iniugnay pa nila sa bawat pagkain na kanilang pinili.

Bago sila natapos ay napansin ni Isagani ang isang binata na nagmamasid at tila sinubaybayan ang kanilang ginagawa. Nang makita siya ay mabilis ito na umalis lulan ng sasakyan ni Simoun.

BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 24 – Mga Pangarap
Kabanata 26 – Mga Paskin

Leave a Comment