Kabanata 20 El Filibusterismo – “Si Don Custodio” (BUOD)

Kabanata 20 El Filibusterismo – “Si Don Custodio” (BUOD)

KABANATA 20 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 20 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.

KABANATA 20 EL FILIBUSTERISMO

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.

Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawalampung kabanata.

Ang Kabanata 20 ay may titulo na “Si Don Custodio” na sa bersyong Ingles ay “The Arbiter”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Si Don Custodio Salazar ay isang Katolikong mapaglinlang. Hindi siya naniniwala sa pangungumpisal, sa milagro ng mga santo at ang pagiging banal ng papa.

Bata pa siya nang dumating sa Maynila. Dahil sa mataas niyang katungkulan ay nakapangasawa siya ng isang mayamang taga-lungsod. Ginamit niya ang per ng kanyang asawa sa pangangalakal. Naging tanyag siya at napabilang sa mga kinikilalanga tao sa lipunan.

Mahigit na dalawang linggo na sa poder si Don Custodeio ang usapin ukol sa paggamit ng wikang Kastila sa loob ng akademya. Siya ang naatasan na gumawa ng pag-aaral at magbigay ng pasya kung ang paggamit ba ng mga estudyante ay naayon o hindi.

Ang kanyang pag-iisip ay mahirap mawari. Siya ay minsang kakampi at tagapagtangol ng mga Indyo. Minsan rin siyang humahamak ng pagkatao nito.

Sa kanyang pagbibigay ng pasya ukol sa usapin, isa lamng ang nais niyang mangyari, ang mapasaya ang mga prayle, lalo na si Padre Irene.

BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 19 – Ang Mitsa
Kabanata 21 – Mga Anyo Ng Taga-Maynila

Leave a Comment