Kabanata 11 El Filibusterismo – “Los Baños” (BUOD)
KABANATA 11 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 11 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalabing-isang kabanata.
Ang Kabanata 11 ay may titulo na “Los Baños” Na hindi na kailangang isalin sa Ingles. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Noong ika-31 ng Disyembre, ang Kapitan Heneral kasama si Padre Sibilya at Padre Irene ay naglaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Baños.
Nagpatalo ang dalawang prayle dahil nais nilang mangyari a kausapin si Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng kabataan. Pero maraming iniisip ang Kapitan tulad ng papeles ng pamamahala, pagbibigay biyaya, pagpapatapon, at iba pa.
Di gannong ka-importante sa Kapitan ang paaralan. Nagalit si Padre Camorra dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang manalo si Kapitan.
Pinalitan naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro ni Padre Irene ang binata na ipusta ang kanyang mga brilyante. Pumayag si Simoun sapagkat wala namang maipupusta ang kura. Ngunit sinabi ni Simoun na kapag siya ang nanalo, bibigyan nila siya ng pangako.
Sa kakaibang kondisyon ng binata ay lumapit si Don Custodio, Padre Fernandez, at Mataas na Kawani. Tinanong nila kung para saan ang mga hiling na ito. Sinagot ng binata na ito ay para sa kalinisan at kapayapaan ng bayan.
BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 10 – Kayamanan at Karalitaan
Kabanata 12 – Placido Penitente