PANG-ABAY – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Gamit Nito?

PANG-ABAY – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Gamit Nito?

PANG-ABAY – Sa paksang ito, ating aalamin at tuklasin ang mga iba’t ibang gamit ng pang-abay, Unahin muna nating alamin kung ano ito.

PANG-ABAY

Ito ay isang bahagi ng pananalita na gaya ng pang-uri na naglalarawan ng pangngalan. Pero ang magkaiba sa kanilang dalawa ay ang pang-abay ay naglalarawan ng kapwa pang-abay, pandiwa at pang-uri.

May siyam na uri nito:

  • Pamanahon – nagbibigay turing sa kilos ng pandiwa
  • Pamaraan – nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos ng pandiwa
  • Panlunan – tumutukoy sa pook kung saan naganap ang kilos o pangyayari
  • Pang-agam -nagsasaad ng hindi lubusang katiyakan tungkol sa isang bagay o kilos
  • Panang-ayon – nagpapakita ng pagsang-ayon sa isang bagay o pangyayari.
  • Pananggi – nagsasaad ng pag tutol sa kilos na ginawa, ginagawa, o gagawin pa lamang.
  • Pamitagan – nagpapakita ng paggalang.
  • Pampanukat – nagbibigay turing sa sukat, bigat, o timbang ng isang tao o bagay
  • Panulad – nagsasaad ng pagkakatulad o paghahambing ng dalawang tao, bagay, pook, o pangyayari.

Gamit

Gaya nga sinasabi sa itaas, ito ay ginagamit bilang panglarawan ng tatlong bahagi ng salita:

  1. Pandiwa
    • Mabilis tumakbo ang tsite.
    • Umalis sina Karen at Geneva kanina pero nakabalik na rin sila.
    • Ngayon lang ako bumalik mula sa Japan.
  2. Pang-Uri
    • Talagang mabait ang mag-asawang sina Mang Ben at Aling Pilar.
    • Sadyang masigla ang pananaw sa buhay ng lola niya
    • Tunay ma masungit si Stanley sa kanyang mga kaklase.
  3. Kapwa Pang-Abay
    • Tunay na mabilis umunlad ang negosyo ni Phoebe.
    • Lalong sumasarap ang mga niluto ng asawa ko.
    • Si Carlos ay sadyang masipag kumain.

Leave a Comment