Halimbawa Ng Epiko – Ano Ang Mga Halimbawa Ng Akda Nitong Patula?
HALIMBAWA NG EPIKO – Sa paksang ito, ating aalamin at tuklasin ang mga iba’t ibang halimbawa ng epiko na isang panitikang patula.
Ito ay pangunahing pasalitang anyo ng pampanitikan na matatagpuan sa mga iba’t-ibang grupong etniko. May mga iba’t ibang katangian nito:
- Base ito sa kahima-himala / kapangyarihang higit sa karaniwang magagawa ng tao o taong nagpapakilala ng kabayanihan noong unang panahon;
- Mula ito sa tradisyong pasalita;
- Binubuo ito ng tula;
- Kadalasang ito ay kinakanta o
- Binibigkas ng paulit-ulit sa tonong pakanta.
Ito ay isang tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng protagonista o pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao.
Ang tema nito ay galing sa salitang Griyego na epos na ang ibig sabihin ay salawikain o awit o sa kahulugan niya ngayon ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
Narito ang iba’t ibang mga halimbawa, ayon sa KapitBisig:
- Agyu (Epiko ng Ilianon)
- Alim (Epiko ng mga Ifugao)
- Bantugan (Epikong Mindanao)
- Bidasari (Epikong Mindanao)
- Darangan (Epikong Maranao)
- Hudhud: Ang Kuwento ni Aliguyon (Epiko ng mga Ifugao)
- Humadapnon (Epikong Panay)
- Ibalon (Epikong Bicolano)
- Indarapatra at Sulayman (Epikong Mindanao)
- Labaw Donggon (Epikong Bisaya)
- Lam-ang (Epikong Ilokano)
- Maragtas (Epikong Bisayas)
- Si Biuag at Malana (Ang Epiko ng Cagayan)
- Tulalang (Epiko ng Manobo)
- Tuwaang (Epiko ng mga Bagobo)
- Ullalim (Epiko ng Kalinga)