BUGTONG – Iba Pang Mga Halimbawa At Ang Sagot Nito
BUGTONG – Sa paksang ito, narito ang mga iba’t iba pang mga halimbawa bugtong na kailangan natin alamin at ang sagot ng bawat isa sa kanila.
Ang bugtong, o kilalanin minsang bilang palaisipan, pahulaan o patuturan, ay isang tanong o pangungusap na may iba o nakatagong kahulugan na kailangang lutasin o isolba.
Narito ang iba pang mga halimbawa ng mga palaisipan. Para makita ang sagot, i-highlight ang pula na kahon na parang ganito:
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Ano ito?
KANDILA
2. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Ano ito?
GUMAMELA
3. May bintana nguni’t walang bubungan,
may pinto nguni’t walang hagdanan. Ano ito?
KUMPISALAN
4. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. Ano ito?
PARUPARO
5. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. Ano ito?
BALLPEN O PLUMA
6. May puno walang bunga, may dahon walang sanga. Ano ito?
SANDOK
7. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa. Ano ito?
BALIMBING
8. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. Ano ito?
KAMISETA
9. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Ano ito?
KUBYERTOS
10. Binatak ko ang baging, bumuka ang tabing. Ano ito?
PAYONG
Para sa iba pang mga hlimbawa, basahin din:
Halimbawa August 12, 2019
Halimbawa July 18, 2019
Halimbawa June 12, 2019
Halimbawa December 20, 2018