Mga Tauhan Ng Noli Me Tangere Isinulat Ni Jose Rizal
NOLI ME TANGERE – Sa paksang ito, alamin natin ang mga tahuan sa nobelang Noli Me Tangere na isinulat ni Jose Rizal.

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Narito ang mga tauhan sa nobelang ito:
- Crisostomo Ibarra
- Ang bida ng nobelang ito. Ang buong pangalan niya ay Juan Crisóstomo Ibarra y Magsalin. Siya ay ang mestizong anak ng negosyanteng Pilipino na si Don Rafael Ibarra
- Maria Clara
- Si María Clara de los Santos ang kasintahan ni Ibarra at ang pinakamagandang babae sa San Diego.
- Kapitan Tiago
- Ang pinakamayamang lalaki sa rehiyon ng Binondo. Ang buong pangalan niya ay Don Santiago de los Santos.
- Padre Dámaso
- Si Dámaso Verdolagas ay ang paring Pranseskano at ang dating ministro ng San Diego. Siya ang kaaway ni Don Rafael, ang ama ni Crisostomo
- Elias
- Ang kaibigan at kakampi ni Crisostomo Ibarra
- Pilósopo Tasio
- Isang talentadong estudyanteng nag-aaral ng Pilosopiya.
- Doña Victorina
- Si Doña Victorina de los Reyes de de Espadaña ay isang Pilipinang ambisyosa na inuuri ang kanyang sarili na isang Kastila.
- Sisa
- Narcisa o mas kilalanin bilang Sisa, ay ang ina ni Basilio at Crispin na baliw.
- Crispin
- Ang nakabubunsong anak ni Sisa at ang kapatid ni Basilio.
- Basilio
- Isang sakristan, kapatid ni Crispin at ang nakakatandang anak ni Sisa.
Pwede mong basahin ang buod ng nobela dito.
BASAHIN DIN – Mga Tauhan Ng El Filibusterismo Na Isinulat Ni Jose Rizal